ITINANGGI | DOLE, pinasinungalingan na kabilang ang Pilipinas sa top 10 “Worst Countries for Workers’ Rights”

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni DOLE Undersecretary Jacinto Paras ang napaulat sa World Largest Trade Union Federation ayon sa Global Right Index 2018 na ang Pilipinas ay kabilang sa 10 bansa na hindi nabibigyan ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Ayon kay Paras walang katutuhanan ang Pilipinas ay kasama sa listahan ng pinaka masamang bansa para sa mga karapatan ng mga manggagawa gaya ng Algeria, Bangladesh, Cambodia, Colombia, Egypt, Guatemala, Kazakhstan, Saudi Arabia at Turkey.

Paliwanag ni Paras lahat naman ng mga idinadaing ng mga manggagawa ay natutugunan ng gobyerno gaya ng kontrakwalisasyon pero hindi naman lahat ay kayang ireregular ng pamahalaan dahil posibleng magsasara ang mga kumpanya.


Giit ng opisyal walang basehan ang ulat na napabilang ang Pilipinas sa 10 bansa na pinagkakaitan ang karapatan ang mga manggagawa katunayan aniya ay nagkakaroon pa sila ng mga Job Fair sa ibat ibang lugar at pinakikinggan naman ang lahat ng mga hinaing ng mga manggagawa.

Facebook Comments