Manila, Philippines – Itinanggi ng ride-hailing company na Hype na ipinatutupad nito ang two pesos per minute travel time charge.
Nabatid na ipinatawag ang Hype ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para ipaliwanag ang umano ay illegal charging.
Ayon kay Hype Transport Systems Inc. President Nick Escalante, wala silang sinisingil na dalawang piso bawat minuto.
Sa halip, ang kanilang units ay nagpapatupad ng 1.25 pesos per minute sa ilalim ng beta testing mode.
Nagsumite na sila ng request sa LTFRB para sa P1.25 per minute charge.
Base sa accreditation paper ng Hype, inaprubahan ng gobyerno ang fare scheme nito kung saan 40 pesos ang base fare para sa sedan, 70 pesos base fare para sa SUV, 100 pesos base fare naman para sa van at 14 pesos per kilometer rate at may times two surge cap.
Una nang pinatawan ng P10 million multa ang Grab Philippines dahil sa overcharging.