Manila, Philippines – Itinanggi ng mga indigenous leaders sa Talaingod, Davao del Norte ang pahayag ni dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo na nagsagip lamang ito ng mga bata kabilang 14 na menor de edad.
Matatandaang nakita ang mga bata sa loob ng kanilang van nang harangin ito sa isang checkpoint.
Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo – sina Datu Andigao Agaya at Municipal Executive Tribal Chieftain Bae Pilar Libayan ang kumontra sa sinabi ni Ocampo at ACT Teacher Partylist Representative France Castro na nagsasagawa lamang ito ng humanitarian mission sa Talaingod.
Lumalabas sa ilang impormasyon na ang mga menor de edad ay galing sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao.
Kinukwestyon din ni Arevalo ang ginawang ‘rescue’ nina Ocampo sa mga bata na lumalabas na tinangay nila ang mga ito dahil sa walang kaukulang permiso sa mga magulang ng mga ito.
Kaya ipinatupad ang pinaigting na checkpoint operation ay dahil na rin sa mga ulat ng mga nawawalang bata.