ITINANGGI | Kendall Jenner, buntis?

Amerika – Itinanggi ng American fashion model at television personality na si Kendall Jenner na buntis siya.

Ito ay matapos na maging issue ang kanyang mirror selfie na pinost niya sa kanyang instagram account na tila iba ang hubog ng kanyang katawan na para bang buntis.

Ayon kay Kendall, ang kumpirmadong buntis ay ang kanyang kapatid na si Khloe Kardashian, sa boyfriend nitong si Tristan Thompson.


Habang ang isa pa nitong kapatid na si Kim Kardashian naman ay ipapanganak ang ikatlong anak nila ng singer na si Kanye West sa susunod na buwan.

Facebook Comments