ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

ITINANGGI | Kobe Bryant, hindi maglalaro sa 3-on-3 games

Itinanggi ngayon ng kampo ni Kobe Bryant ang unang lumabas na balita na lalaro ito sa big-3.

Ang big-3 ay ang 3-on-3 games na liga ng mga dating NBA players.

Ayon sa kampo ni Bryant, wala daw plano maglaro ang tinaguriang black mamba ng NBA dahil ini-enjoy pa nito ang retirement sa basketball.

Wala din daw makakapagsabi kung kailan at saan gusot ng maglaro ni Kobe lalo na at masaya siya ngayon at kapiling ang pamilya.

Facebook Comments