ITINANGGI | Kongresista, pinabulaanan na sangkot siya sa road rage

Manila, Philippines – Itinanggi ng isang kongresista na siya ang nasa likod ng road rage na viral video.

Makikita sa video na sinapak ng lalaking sakay ng otsong plaka ang kapwa motorista dahil sa away trapiko at nagpakilalang anak ng isang kongresista.

Paliwanag ni Pampanga Rep. Carmelo Lazatin, wala siyang sasakyan na FJ Cruiser na may plakang otso at itinanggi niyang anak niya ang lalaking sakay ng sasakyan.


Giit nito, ang kanyang anak ay 16 anyos pa lamang at hindi pa nakakapagmaneho.

Bukod dito, wala din aniya siyang plakang otso ng 16th Congress dahil siya ay kongresista ngayon pa lamang 17th Congress.

Ngayong 17th Congress wala pang ini-isyu na plaka ang Kamara habang ang ama naman niya ay nagsilbi lamang bilang mambabatas noong 15th Congress.

Dagdag pa ng nito, kakilala niya ang lalaking biktima dahil kilala itong konsehal sa distrito nila.

Sa katunayan pa ay tinawagan siya ng kakilalang biktima para isumbong ang insidente.

Duda din si Lazatin na katunggali sa pulitika ang nasa likod nito dahil maayos naman ang rekord niya at ng kanyang pamilya.

Facebook Comments