Itinanggi ng Korean actor at singer na si Alexander Lee ang mga espekulasyong isa siyang bading.
Sabi ni Lee, aware siya sa mga sinasabi sa kanya ng mga basher kaugnay sa kanyang kilos at pananamit na hindi raw masyadong “Manly” ang datingan.
Pero sabi ng Korean actor, hindi niya mapi-please ang buong mundo sa kung ano ang itsura, kilos at pananamit niya kaya sorry na lang daw dahil ‘yun ang totoong siya.
Hindi rin daw niya kailangang magpakita na ng intimate relationship niya sa isang babae para patunayang mali ang kanyang mga basher.
Habang todo-tanggi sa akusasyon bading siya, nilinaw ni Lee na mataas ang respeto niya sa mga LGBT people.
Si Lee ay former member ng K-POP boy band u-kiss na bumida noong 2017 sa prime time series ng isang TV network na “My Korean Jagiya” kung saan leading lady niya si Heart Evangelista.