ITINANGGI | Kumalat na listahan ng mga pambato ng LP sa senatorial elections, hindi totoo ayon kay Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Hindi totoo ang kumakalat na listahan ngayon ng 12 personalidad na magiging pambato umano ng Liberal Party o LP sa 2019 senatorial elections.

Ito ang nilinaw ni Senator Kiko Pangilinan na siya ring tumatayong pangulo ng LP.

Kasama sa nabanggit na listahan sina:
Dating Interior Secretary Mar Roxas,
Senador Bam Aquino,
Dating Senador Teofisto Guingona III at Ramon Magsaysay Jr.,
Dating Pampanga Governor Eddie Panlilio,
At dating Congressman Erin Tañada.


Kasama din sa listahan sina:
Congressmen Edcel Lagman, Raul Daza, Gary Alejano, Jose Christopher Belmonte, Kaka Bag-Ao at Cebu City Mayor Tomas Osmeña.

Ayon kay Pangilinan, posibleng ito ay personal na ideya lamang at hindi opisyal na posisyon ng LP.

Facebook Comments