ITINANGGI | Labor Secretary Silvestre Bello III, itinangging nagkasigawan sila ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano

Manila, Philippines – Itinanggi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagkasigawan sila ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano hinggil sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Batay sa report ng Philippine Star, nagtalo ang dalawang kalihim sa isang pulong sa Malacañang matapos paalisin sa Kuwait si Ambassador Renato Villar.

Nagsisihan rin umano sina Bello at Cayetano bunsod sa pag-rescue ng embahada ng Pilipinas sa mga OFW sa Kuwait.


Giit naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nina Bello at Cayetano.

Facebook Comments