ITINANGGI | Malacañang, dinipensahan ang appointment ni CJ De Castro

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na ang appointment ni Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo De Castro ay ‘reward’ lamang dahil sa pagsuporta nito sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, si De Castro ang pinaka-senior sa listahan ng mga nominado na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC).

Giit ni Roque, itinaguyod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang judicial professionalism sa pamamagitan ng pagtalaga ng most senior mula sa mga aspirants.


Aniya, mayroong ‘infinitely more experience’ si De Castro kaysa sa kanyang hinalinhan.

Facebook Comments