ITINANGGI | MPD nanindigan na hindi pinahirapan at pinaslang ang inmate na si Allan Rafael

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) ang akusasyon ng mga kritiko na tino-torture o hindi makataong pagtrato at pinaslang sa loob ng bilangguan ang inmate na si Allan Rafael na inaresto dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act noong August 3 sa Claro M. Recto kanto ng Loyola Street Quiapo Manila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel Base ‘medical condition’; mula sa NBI Medical Legal Officer na nasawi si Rafael ay dahil sa Cardio Respiratory Arrest o nahihirapan huminga.

Una rito tinuligsa ng mga kritiko at kamag-anak ni Rafael na pinahihirapan umano ito sa loob ng Barbosa PCP at hindi ipinaalam sa kanila ang mga nangyayari sa loob ng kulungan.


Paliwanag ni Superintendent Manuel nannatiling “zero-tolerance” policy laban sa hindi makataong pagtrato ang kanilang ipinatutupad sa mga bilanggo at tiniyak ng opisyal na sinumang mapapatunayang labag sa batas ang ginawa sa kaso kay Rafael ay hindi nila kukunsintihin at mananagot sa batas.

Facebook Comments