ITINANGGI | Muslim vendors sa Divisoria pinabulaanan na may collection policy

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Juan Luna Muslim Christian Multipurpose Vendors Association sa Divisoria na may nangongotong sa kanilang opisyal ng Maynila para mapanatili sila sa kanilang pwesto sa Juan Luna Street Divisoria Maynila sa kabila ng pagiging iligal nito.

Iginiit ng isang asosasyon ng mga Muslim-Christian na walang nangyayaring pangongotong sa kanilang pwesto kung kaya at tumatagal sila sa lugar sa kabila ng istriktong panuntunan sa pagbabawal ng paggamit ng kalsada bilang bangketa.

Aminado si Muslim-Christian Multipurpose Vendors Association Spokesperson Abner Buluto na maraming beses na silang napagsabihan pero paliwanag nila may kaluwagan ang patakaran ng Maynila sa kanila kung kaya at kadalasan anila naaabuso nila ito sa paraang pabalik-balik sila sa pwesto.


Paliwanag pa ni Buluto minsan aniya nakakapag-abot sila ng regalo sa ilang opisyal ng Manila City Hall tuwing may kaarawan pero nilinaw nito na hindi umano ito paraan para suhulan ang mga opisyal ng Manila City Government.

Sa panig naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia malaking tulong ang tuloy-tuloy nilang clearing operation upang matapos na ang problema ng trapiko sa dumaraming populasyon at sasakyan sa Metro Manila.

Facebook Comments