ITINANGGI | Ombudsman, pinabulaanan na may pending na kasong kriminal at administratibo laban kay Labor Silvestre Bello

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ng Office of the Ombudsman ang napaulat na may pending na criminal at administrative sa kanila si Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III .

Batay sa dokumentong inilabas mismo ng Ombudsman na pirmado ni Ma. Agnes Forteza, Graft investigation I ng Ombudsman, walang pending case administratibo man o kriminal laban kay Bello.

Ang opisyal na dokumento na inilabas ng Ombudsman na may petsang June 18 ay kasunod ng mga naglutangangang mga balita na diumano ay tanggal na sa listahan ng JBC ang pangalan ni Bello para sa pagpipilian na maging susunod na Ombudsman kapalit ng magreretiro na si Conchita Carpio Morales.


Facebook Comments