Manila, Philippines – Pinabulaanan ng palasyo ang mga batikos at puna kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa umano ay dikriminasyon nito sa kababaihan.
Ito ay bunsod ng naging pahayag ng Pangulo na hindi siya magtatalaga ng babae bilang susunod na ombudsman.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang katotohanan ang mga kritisismong ito sa Pangulo, dahil kahit sino naman ay maaaring i-appoint sa pwesto.
Matatandaan na puro babae ang mga huling in-appoint ng Pangulo, kabilang sina Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat, COMELEC Commissioner Soccoro Inting at DSWD Acting Secretary Virginia Orogo.
Patunay ito aniya na hindi totoong hindi sang ayon ang Pangulo sa pagtatalaga sa mga babae sa gobyerno.
Facebook Comments