Manila, Philippines – Itinanggi ng isang abogado na balak ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maging punong ministro oras na mabago ang porma ng gobyerno.
Isinusulong kasi ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan tungong federal at parliamentary.
Ayon kay Atty. Raul Lambino, Administrator ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), hindi interesado rito ang dating pangulo.
Sa panukala ng PDP-Laban, magkakaroon pa rin ng pangulo pero magkakaroon na ng punong ministro o prime minister na siya nang magpapatakbo ng gobyerno.
Dagdag pa ni Lambino, maliwanag ang posisyon ng PDP-Laban, may halalan sa susunod na taon, pero sa ilalim na ng bagong konstitusyon.
Facebook Comments