Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang akusasyon ng ulat ng Rappler na may nawawalang 9 na bilyong Piso noong 2017.
Sa ginanap na presscon sinabi ni PhilHealth Officer In Charge President and Ceo Dr. Celestina Maria Jude Dela Serna naayon sa coa ang ginastos nila sa local travel na umaabot sa mahigit sa 900 libong piso.
Paliwanag ni Dr. Dela serna na tinitiyak nito sa lahat ng miyembro ng PhilHealth at mga stakeholders na ang naturang disbursement at expenses ay naayon sa batas at dumaan sa board at wala aniyang siyang nakikitang iregularidad dito.
Giit ni Dr. Dela Serna na ang naturang allowances na kinukwestyon ay kinabibilangan ng hazard pay,subsistence allowance,laundry allowance,at collective negotiation agreement,incentive kung saan nilinaw nito na ang pag iisyu ng notice of disallowance na kasalukuyang nakaapela ay hindi aniya nangangahulugan na ilegal dahil maraming mga kaso sa korte suprema na nababaliktad ang disallowances o namodified ang audit findings ng Commission on Audit (COA).
Inihalimbawa nito ang kahalintulad na kaso ng PhilHealth vs. Coa na binaliktad ang notice of disallowances ng Supreme Court noong November 29 2016.