ITINANGGI | PRRD, itinangging may kinalaman siya sa nangyaring ambush kay Vicente Loot

Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman siya sa pagpapa-ambush kay retired Police General Vicente Loot, isa sa mga narco-generals na dati niyang pinangalanan kasama sa narcolist.

Sa kanyang talumpati sa Barangay Summit on Good Governance Region 11 sa Davao City, sinabi ng Pangulo na dalawang beses na umano inambush si Loot pero hindi raw ito mapatay-patay.

Aniya, hindi siya ang nasa likod nito kung hindi si “Roxas” na hindi naman binanggit ng Pangulo kung sinong ito partikular.


Facebook Comments