Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na siya ay tatakbo sa pagkasenador sa darating na halalan.
Ito ang opisyal na pahayag ni Go matapos ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may balak si Go na maging Senador.
Ayon kay Go, hindi siya interesado na maging Senador at sinabi lamang ito ni Pangulong Duterte dahil sa planong pagiimbestiga ng Senado sa Frigate controversy kung saan nakaladkad ang kanyang pangalan.
Binigyang diin ni Go na dedicated siya sa pagsisilbi kay Pangulong Duterte hanggang siya ay mamatay.
Pero sinabi aniya sa kanya ni Pangulong Duterte na dumalo sa pagdinig ng senado dahil ito ang malaking oportunidad para sa kanya na linisin ang kanyang pangalan at patunayan na hindi niya pinakialaman ang frigate deal na ipinipilit ng Rappler.