ITINANGGI | Solicitor General Jose Calida, pinabulaanan na may conflict of interest sa pagkakaroon ng ownership sa isang security firm

Manila, Philippines – Itinanggi ni Solicitor General Jose Calida na mayroong conflict of interest sa pagkakaroon ng ownership sa isang security firm.

Ito ay kasunod ng criminal complaint na kinahaharap ni Calida sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Calida, matagal na siyang nag-resign bilang chairman at president ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc. bago siya umupo bilang solicitor general.


Nakalagay aniya sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networths (SALN) ang kanyang interest sa kumpanya.

Giit ni Calida, ang OSG ay hindi nagre-regulate, nagsu-supervise ng license security agencies tulad ng vigilant agency.

Base sa mga alegasyon, nakitaan si Calida ng conflict of interest lalo at ang security firm ay mayroong kontrata sa ilang government agencies kabilang ang National Economic and Development Authority (NEDA), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at ang National Parks Development Corporation (NPDC).

Facebook Comments