ITINANGGI | Solicitor General Jose Calida, pinasinungalingan ang pagkakaroon niya ng kabit

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni Solicitor General Jose Calida ang umano ay mayroon siyang kabit.

Ito ay batay sa reklamong inihain ng private citizen na si Jocelyn Marie Acosta-Nisperos sa Office of the Ombudsman.

Ayon kay Calida, walang basehan ang mga akusasyon ni Nisperos.


Nanindigan din si Calida na hindi siya magbibitiw sa pwesto dahil malinis ang kanyang konsensya.

Galit lamang aniya ang kanyang mga kritiko dahil pinaboran ng Supreme Court en banc ang quo warranto petition na nagpatalsik kay dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Facebook Comments