Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Special Assistant to the President Bong Go ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na umano ay napunta sa mga kamag-anak niya na nagmamay-ari ng isang construction firm ang mga infrastructure projects sa Davao City.
Ayon kay Go – isang malisyosong pahayag at puro walang basehan ang paratang laban sa kanya.
Giit ni Go – sa loob ng 15 taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Alkalde pa ng Davao City ay hindi siya nakialam sa mga proyekto ng lungsod.
Ang paglahok ng kanyang ama at kapatid sa bidding ng proyekto ay karapatan nila.
Hindi aniya siya nag-impluwensya sa Dept. of Public Works and Highways (DPWH).
Kailanman ay hindi siya nasangkot sa katiwalian at handa siyang magbitiw sa pwesto kung mapatunayang nakipag-usap siya sa dpwh o anumang ahensya kaugnay sa diumano ay pagpondo sa mga proyekto sa Davao City.