ITINANGGI | Umano’y pagpapaalis sa mga pari sa Balangiga turn-over ceremony, pinabulaanan

Itinanggi ni Presidential Communications Operation Office o PCOO Secretary Martin Andanar na pinaalis ng isang staff ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at ilang Catholic officials sa kasagsagan ng turnover ceremony ng Balangiga bells sa Eastern Samar.

Ayon kay Andanar na wala siyang nakitang tensyon sa turn over ceremony.

Sa katunayan, kinamusta at kinamayan pa ng Pangulo ang mga pari at obispo.


Sabi pa ni Andanar, nakita rin ng mga residente ang magiliw na pakikitungo ng Pangulo sa mga taga-simbahan.

Facebook Comments