ITINANGGI | Umano’y pagsibak kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pinasinungalingan ng Malacañang

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang ang ulat na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Kaugnay ito ng pagkakabasura ng kaso ng drug lords na sina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Sa isang maikling pahayag, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na walang pahayag ang Pangulo tungkol sa nasabing balita.


Matatandaang umugong ang panawagan na sibakin si Aguirre o hindi kaya ay magbitiw ito sa pwesto.

Pero nanindigan si Aguirre na wala siyang balak magbitiw sa pwesto.

Facebook Comments