Manila, Philippines – Itinanghal ang Pilipinas bilang 3rd Largest Remittance Receiving Nation sa buong mundo nitong 2017.
Base sa Report ng World Bank, napanatili ng Pilipinas ang posisyon nito na May 33 billion dollars o 1.72 trillion pesos na natatanggap na remittance.
Ang mga remittance ay nanggagaling sa higit 10 milyong Overseas Filipino Worker (OFW) na ikawalang pinamalaking pinanggagalingan ng foreign exchange ng bansa, kasunod ng kita sa sektro ng Business Process Outsourcing (BPO).
Ang remittances ay nag-aambag ng 10% sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Facebook Comments