ITINANGI | Kampo ni CJ Sereno, pinabulaanan ang balitang nag-alsa balutan na ito sa Supreme Court

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nagsimula na siyang mag-alsa-balutan sa Supreme Court.

Ito ay sa gitna ng inaasahang desisyon sa botohan ng mga mahistrado ng korte suprema sa Quo Warranto petition laban kay Sereno sa darating na May 11.

Kagabi ay kumalat ang mga balitang anim na balikbayan boxes ang inilabas ng tanggapan ni Sereno pero naharang ito ng security kung saan pumagitna ang ilang mataas na opisyal na Korte Suprema at iginiit na isailalim ang mga ito sa inspeksyon.
Ayon naman sa tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, ang mga nasabing kahon ay pag-aari ng isa sa mga staff ng punong mahistrado na si Atty. Michael Ocampo na sinampahan ng reklamo ni Atty. Larry Gadon.


Gagamitin daw ni Ocampo ang mga dokumento na lamang ng mga kahon para sa pagdepensa sa kanyang kaso.

Nabatid na isa si Ocampo sa mga respondent sa reklamong katiwalian na inihain ni Gadon sa Department of Justice laban sa mga staff ni Sereno dahil sa maanomalyang pagkuha kay Helen Macasaet bilang Information Technology Consultant ng Korte Suprema na hindi idinaan sa public bidding.

Facebook Comments