Kumpiyansa ang itinatag na Food Security Group na may sapat na suplay na pagkain ang bansa sa panahon ng paglaban sa COVID-19.
Naniniwala si Agriculture Secretary William Dar na na kasing seryoso ng COVID-19 ang banta ng kagutuman kung kaya’t whole-of-nation approach ang dapat na estratehiya para harapin ang katatagan sa pagkain.
Ayon kay Dar, sa kasalukuyan, may 18 million metric tons ng bigas sa bansa.
Nasa 1.95 million metric tons naman na suplay ng manok.
Walang nakikitang pagkukulang sa tustos nito dahil malalampasan pa ng 24% ang 1.3 million metric tons na target na annual chicken supply.
Katumbas ito ng 400,000 metric tons na sasapat ng 157 na araw.
Sa ngayon ay mayroong 1.12 million metric tons ng suplay ng karne ng baboy at may oversupply pa nito Visayas and Mindanao.
Maliban sa food supply, tungkulin ng task force on Food Security na matiyak na may serbisyong tubig at kuryente ang publiko habang may national emergency.