ITINATAG | Office for Global Media, binuo ng PCOO

Manila, Philippines – Binuo ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Office for Global Media para masagot ang mga tanong ng foreign correspondents hinggil sa mga isyu sa Pilipinas.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, ang opisinang ito ang mamamahala at tutulong sa gobyerno na mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng maraming reporters sa buong mundo.

Aniya, ginawa ang hakbang na ito kasabay ng planong ibalik ang PCOO bilang Office of the Press Secretary (OPS) at ang posibilidad na magtatag ng press attaché division.


Inanunsyo rin ni Andanar na ang dating reporter ng RMN DZXL Manila, dating reporter ng TV5 at dating media specialist ng Asia-Pacific Media hub ng U.S. State department na si Jayvee Arcena ay pamumunuan ang Office for Global Media Affairs.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments