Itinatayong bus stops sa EDSA, nasa 80% nang kumpleto

Halos patapos na ang mga itinatayong bus stop sa EDSA.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, inaasahang magiging operational na sa Agosto hanggang Setyembre ang EDSA bus stops.

Aniya, nasa 80% nang kumpleto ang konstruksyon ng bus stops, kabilang ang concrete barriers at steel separators, na ginagawa sa EDSA upang i-accommodate ang median bus lanes ng Department of Transportation (DOTr).


Upang maipatupad ang batas-trapiko at upang siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero, sinabi ni Pialago na limang traffic constables at isang motorcycle rider ang nakatalaga sa median lane sa EDSA.

Sa kabila ng mabigat na trapiko sa ibang lane, iginiit ni Pialago na para sa Public Utility Buses (PUBs) ang EDSA bus lanes na may ilang exceptions.

Iginiit ni Pialago na mula nang ipatupad ito, mula sa dalawa hanggang tatlong oras na travel time para sa mga bus sa EDSA, nasa 45 na minuto na lamang ang biyhe dito kabilang ang bus stops.

Facebook Comments