
Ipinatigil muna ang konstruksyon ng ginagawang gusali sa BGC, Taguig upang bigyang-daan ang independent investigation.
Ayon kay PCol. Bryan Allatog, Chief of Police ng Taguig Police Station, aalamin nila kung may pagkukulang sa seguridad o safety protocols sa lugar.
Bagaman maayos umano ang safety protocols batay sa paunang obserbasyon, sinabi ni Allatog na dapat ding suriin ang engineering aspect ng insidente.
Dagdag pa niya, kung mapapatunayan na may kapabayaan ay mananagot ang construction firm sa nangyaring aksidente.
Kahapon nang mangyari ang isang aksidente ang naganap sa isang itinatayong gusali sa BGC, kung saan isa ang nasawi matapos mag-collapse ang elevated core wall na tumama sa mga manggagawang nasa ibaba.
Base sa inisyal na report, gumuho ang ginagawang core wall para sa elevator ng itinatayaong 28 na palapag na gusali sa lugar.









