Ikinatuwa ng mga residente sa Urbiztondo ang pagsisimula ng operasyon ng Animal Bite Treatment Center ngayong Hulyo.
Nasa ilalim ng Rural Health Unit ang naturang treatment center na bukas simula 8AM hanggang 12NN at accredited din ng Department of Health.
Ayon sa ilang residente, malaking ginhawa ang pagkakaroon ng sariling Animal Bite Treatment Center upang hindi na dumayo sa mga karatig bayan ng Mangatarem at San Carlos City upang makapag paturok.
Ayon sa Municipal Health Office, mananatiling libre sa mga indigents at miyembro ng PhilHealth ang mga serbisyo ng pasilidad dahil nangangailangan pa ng kaukulang ordinansa upang maging libre ang mga serbisyo sa lahat.
Layunin na agad mabakunahan at magamot ang mga pasyente na nakagat ng mga aso, pusa at iba pang hayop na may rabies.
Noong Hulyo 2024, naitala ang 125% na pagtaas sa bilang ng mga namamatay sa rabies sa Pangasinan na tinugunan sa pagbili ng milyong halaga ng anti-rabies vaccines. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









