Itinayong hydroelectric power project sa Pilipinas, suportado ng Japan

Suportado ng isang Japanese renewable energy firm na Renova Inc. ang hydroelectric power project sa Pilipinas.

Kasabay ito ng pagpapautang sa Pilipinas ng Renova na gagamitin katuwang ng institusyong makakasakop sa proyekto sa bansa.

Ito ang unang investment ng Renova sa Timog Silangang Asya para sa Kiangan hydroelectric power project sa probinsya ng Ifugao.


Hindi naman binanggit kung magkano ang kabuuang halaga ng ipagagamit na pera sa proyekto.

Nagsimula ang konstruksyon ng hydroelectric power plant nitong Abril.

Facebook Comments