
Muling tutungo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Bogo City, Cebu ngayong araw upang inspeksyunin ang Tent City na itinayo para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan matapos ang malakas na lindol.
Bahagi rin ito follow-up visit ng pangulo matapos ang kanyang unang pagpunta sa Cebu noong October 2, bilang pagpapakita ng tuloy-tuloy na suporta ng administrasyon sa mga biktima ng kalamidad at sa pagpapatatag ng mga komunidad sa rehiyon.
Inaasahang dadaan din ang pangulo sa Bayanihan Village sa San Remigio para silipin ang kalagayan ng mga evacuee.
Layon ng pagbisita ng pangulo na tiyaking maayos ang kondisyon ng mga evacuees at sapat ang ibinibigay na tulong ng pamahalaan habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.
Facebook Comments









