Itogon, Benguet – Itinigil na ang retrieval operation sa mga natabunan ng landslide sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Incident Commander Brigadier General Leopoldo Imbang, mataas ang posibilidad na wala nang makuhang bangkay sa ground zero.
Aniya, nasilip na nila ang bunkhouse at tunnel kung saan posibleng nagtago ang mga biktima.
Nasa tatlo na lang anya ang bilang ng mga nawawala habang 61 bangkay ang nakuha sa ground zero.
Nagsumite na rin ng DNA sample at fingerprint ang mga kaanak ng mga nawawala para mai-match sa mga parte ng katawang narekober sa lugar.
Tiniyak naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na agad silang maghuhukay kapag may natanggap silang report na may nakita o naamoy na bangkay sa ground zero.
Facebook Comments