Manila, Philippines – Itinuturing ni Senador Panfilo Lacson na malaking tagumpay sa mga Pilipino ang Balangiga Bells ng Eastern Samar, na ibinalik na sa Pilipinas matapos ang 117 taon na pakikipaglaban sa mga Amerikano sa wakas nakatakdang ibalik sa bansa.
Ayon kay Lacson kung babalikan ang kasaysayan parang hindi aniya masyadong inaaalala ito pero ito umano ang napakalaking tagumpay ng mga Filipino freedom fighters.
Paliwanag ng Senador wala na umanong nakaalala kay Valeriano Abanador na siyang ang nanguna sa pag atake ng sa mga Amerikano, siya ay member ng 9th Infantry Regiment na nakatalaga sa Balangiga.
Dagdag pa ni Lacson na ang Balangiga bells, ang nagbibigay ng signal ng pag atake na pinangunahan mismo ni Abanador at nang mga 500 Filipinos kung saan nagkaroon ng mga 40 napatay na mga Amerikano, at nasamsam nila ang 100 rifles, 25,000 rounds na mga bala.
Pero iniutos umano ni Gen. Jacob Smith ang pagmasaker sa mga batang lalake na may edad 10 taong gulang pataas na pagbabarilin barilin at patayin kaya doon umano nagsimula at kinuha ang 3 bells mula sa Bayan ng Balangiga.
Giit ng Senador matagal na ang kampanya para maisauli noon pang taong 2002 kasama pa noon ay Sen. Nene Pimentel, na nag-pasa ng isang Resolusyon ang Senado para lamang maibalik ang Balangiga Bells.