ITINURO | Makabayan bloc, itinuro si Davao City Mayor Sara Duterte na utak sa pagpapatalsik kay Cong. Pantaleon Alvarez

Manila, Philippines – Tahasang itinuro ng Makabayan bloc si Davao City Mayor Sara Duterte na utak sa pagpapatalsik kay Representative Pantaleon Alvarez at pagluklok kay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker.

Ayon kay Act Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, kitang kita ang impluwensiya ng presidential daughter sa Kongreso.

Sabi naman ni Bayan Muna Partylit Representative Carlos Zarate, hindi malayo na may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging aksyon ng presidential daughter.


Pero giit ni Quezon Representative Danilo Suarez, sila mismo ang nangampanya para kay Arroyo.

Paliwanag naman ni Kabuhayan Party-List Representative Dennis Laogan, pinagtulungan talaga ng mayorya na alisin si Alvarez.

Dagdag naman ni Buhay Party-List Representative Lito Atienza, naubos ang pasensiya ng mga kongresista kay Alvarez sa sapilitang pagtutulak nito ng charter change at “no election” sa 2019.

Facebook Comments