Manila, Philippines – Itinuro ng Department of Finance sa presyo ng pagkain na siyang pangunahing dahilan ng patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Nabatid na noong nakaraang setyembre ay umabot na sa 6.7% ang inflation rate sa bansa mula sa 3.4% noong enero ng 2018.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino, isa ang bigas sa nakapag ambag ng malaking porsyento sa pagtaas ng mga bilihin dahil sa 6.7% na inflation rate noong Setyembre ay 1% dito ay dahil sa bigas.
Isa pa aniyang contributor sa Inflation ay ang presyo ng isda sa merkado kung saan sinabi ni Lambino na mula pa ng 2017 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng isda na mas tumaas pa ngayong taon dahil sa overfishing at climate change.
Gulay din aniya ay bahagi ng dahilan ng pagtaas ng inflation na epekto naman ng mga nagdaang bagyo kung saan naapektuhan Ang mga lalawigan sa Northen at Central Luzon na nakaapekto sa produksyon at delivery ng mga ito sa pamilihan.
At ang huli aniya ay meat o manok, baboy at baka na nagsimula nang tumaas ang presyo noong nakaraang taon at nagpatuloy sa pagtaas ngayong 2018.
Ang mga nonfood items naman aniya ay nakapag ambag lamang ng hindi pa lalampas sa kalahati ng inflation rate kaya maituturing na pinakamalaking dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay ang pagkain.
Gayon pa man ay sinabi ni Lambino na gumawa na ng hakbang ang Pamahalaan para matugunan ang issue na ito at partikular na hakbang ng pamahalaan ay ang paglalabas ng Administrative Order numer 13, at Memorandum circular number 26,27 at 28 na naglalayong pabababain ang presyo agricultural products sa bansa.