Friday, January 30, 2026

Itinutulak na civilian-military junta ng ilang grupo, hindi uusad ayon sa isang senador

Kumpiyansa si Senator Erwin Tulfo na hindi uusad at hindi magtatagumpay ang isinusulong na civilian-military junta na itinutulak ng ilang grupo.

Kaugnay ito sa pagkumpirma ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na may grupo ng mga retiradong police at military officials ang kumukumbinsi sa kanya na sumali sa nilulutong civilian-military junta, ngunit hindi niya ito pinansin.

Naniniwala naman si Tulfo na hindi ito mangyayari dahil hindi naman ito sinasang-ayunan ng civil society at hindi rin payag dito ang simbahan.

Paliwanag ni Tulfo, kung noon ay sinuportahan ng civil society at simbahan ang People Power 1 at 2, ngayon ay hindi niya ito nakikita sa publiko.

Payo pa ng senador sa mga nagtutulak ng pagpapalit ng mamumuno sa bansa: hintayin na lamang ang eleksyon sa 2028, kung saan tatlong taon na lamang mula ngayon ay magpapalit na rin ng administrasyon.

Facebook Comments