Itinuturing ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na most ‘Vulnerable’ para sa media workers ang Autonomous Region of Muslimg Mindanao (ARMM).
Ayon kay PTFoMS Executive Director Joel Egco – sa kanilang datos ay 34 na mamamahayag na ang napatay sa rehiyon mula taong 2008 hanggang sa kasalukuyan.
Kabilang na rito ang 32 media workers na namatay noong 2009 Maguindanao massacre.
Kasunod ng ARMM ay ang Davao Region na may walong insidente ng media killings at pangatlo ang Central Visayas na may anim na namatay.
Nagtabla sa ikaapat na pwesto ang National Capital Region (NCR), bicol region, northern mindanao at caraga region na may limang media killings sa kada rehiyon.
May tig-apat na kaso ding naitala sa Cenral Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula.
Parehas na dalawang kaso naman ang naitala sa Cordillera at Ilocos Region.
Nagkaroon naman ng isang kaso sa bawat rehiyon ng Western Visayas, Eastern Visayas at Cagayan Valley.
Sumatutal, nasa 67 media killings ang naitala na patuloy pa ring mino-monitor, iniimbestigahan at pina-follow-up.