Manila, Philippines – Aabot na sa 7,638 na lugar sa bansa ang itinuturing na election hotspots ng Commission on Elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon – batay sa report ng Philippine National Police, aabot sa 597 ang mga lugar na nasa “red hotspots”, 4,970 naman ang nasa orange hotspots at 2,071 ang yellow hotspots.
Itinuturing na critical area ang nasa ilalim ng red hotspots habang ang mga nasa orange ay ang mga lugar na may presensya ng armed groups.
Ang nasa yelow hotspots naman ay ikinokonsidera na mayroong history ng “political unrest”.
ang Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mayroong pinakamaraming election hotspots sa red at orange classification.
Dahil dito, inatasan na ng COMELEC ang mga otoridad na mas lalo pang higpitan ang pagbabantay sa mga lugar na nasa ilalim ng election hotspots.