ITINUTURING | Pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa, bubuo ng mas magandang relasyon ng Pilipinas at China

Manila, Philippines – Itinuturing ng Malacañang na malaking pagbabago sa relasyon ng Pilipinas at China ang dalawang araw na state visit ni Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito ang maglalagay ng selyo sa magandang relasyon ng Pilipinas at China matapos ang ilang taon.

Aniya, ang kauna-unahang pagbisita ng Chinese President ay nangangahulugan ng special partnership ng Pilipinas at China.


Maliban rito, maituturing rin aniyang top trading partner at nangungunang export market ng Pilipinas ang China.

Giit pa ni Panelo, ang pagbisita sa bansa ni Xi ay malaking pagkakataon rin para mapalakas at mapanatili ang magandang bilateral relation ng Pilipinas sa isang dayuhang bansa.

Facebook Comments