ITINUTURING | Pagpatay sa Saudi Jornalist sa loob ng kunsulada sa Saudi Arabia sa Istanbul, Turkey, “one of the worst cover-ups” – U.S. President Donald Trump

Itinuturing ni US President Donald Trump na “one of the worst cover-ups” sa kasaysayan ang ginawa ng Saudi Arabia sa pagpatay kay Saudi Journalist Jamal Khashoggi.

Kasabay nito, tiniyak ni Trump na mapaparusahan ang 21 Saudi officials na sangkot sa insidente.

Isa sa maaring kaharapin ng mga ito ay ang pagtanggal ng kanilang us visa.


Nauna nang ipinahayag ni Trump na hindi ito kontento sa paliwanag ng saudi na aksidenteng namatay si khashoggi matapos na ito ay makipagsuntukan sa naganap na komprontasyon sa loob ng kunsulada ng Saudi Arabia sa Istanbul, Turkey.

Facebook Comments