Itinuturong Drug Lord Ng Eastern Visayas Na Si Kerwin Espinosa – Posibleng Sa Huwebes Dumating Sa Bansa. Seguridad Nit

3

MANILA – Kinumpirma ni PNP Chief. Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na sa Huwebes na posibleng dumating sa bansa ang itinuturong drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.Sa pressconference sa camp crame, sinabi ni Dela Rosa na naka alis na patungong Abu Dhabi si AIDG Chief Ssupt. Albert Ignacio Ferro para sunduin si Kerwin na kasalukuyang nasa kustodiya ng Abu Dhabi authoritiesKasabay nito, tiniyak ni Dela Rosa ang seguridad ni Kerwin at hindi sasapitin ang kinahinatnan ng kanyang amang si Albuera Mayor Rolando Espinosa na napatay sa loob ng kanyang selda sa Baybay City Sub-Provincial Jail sa Leyte.Pagdating sa bansa, sinabi ni Dela Rosa na sa PNP custodial center ide-deretso si Kerwin at isasauli na lang nila ang arrest warrant sa issuing court.

Facebook Comments