Itinuturong gunman na pumatay sa brodkaster sa Kidapawan, naaresto na

 

Inihayag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na naaresto na ang itinuturong gunman na pumatay sa brodkaster na si Ed Dizon ng Kidapawan noong 2019.

Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Paul Gutierrez, nadakip ang gunman na nakilalang si Jonnell Gerozaga kahapon May 2, 2024.

Ito’y matapos ang limang taong pagtatago sa Kidapawan kung saan nasakote ito sa tulong ng binuong Special Investigation Team.


Nabatid na mismong ang PTFoMS ang humiling sa Department of Justice (DOJ) na bumuo ng nasabing task force para tutukan ang kaso laban sa mga suspek sa pagpatay sa nabanggit na brodkaster.

Ikinatuwa naman ng PTFoMS ang naging hakbang ng mga ahensiya at tanggapan ng pamahalaan para maresolba ang kaso ng pagpaslang sa mga brodkaster at isa na dito ang pagkaka-aresto sa gunman na si Julieto Mangumpit na pumatay sa broadkaster na si Juan Jumalon ng Misamis Occidental.

Facebook Comments