Manila, Philippines – Hindi na gagamitin ng Philippine National Police (PNP) ang salitang “tambay” sa kanilang mga isinasagawang operasyon kontra kriminalidad.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi na nila gagamitin ang salitang tambay dahil hindi naman sila ang target ng operasyon.
Aniya, ang mas nararapat gamitin sa mga nahuhuli ay lumabag sa city ordinances.
Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na iniimbestigahan na nila kung may kinalaman ang mga pulis sa pagkamatay ng hinuling tambay na si Genesis “Tisoy” Argoncillo.
Facebook Comments