Itlog na isinalang sa microwave, sumabog sa mukha ng babae

(Bethany Rosser/SWNS.COM)

Base sa mga nabasa sa mga website at napanood na YouTube videos, naniwala ang 22-anyos na si Bethany Rosser ng United Kingdom, na ligtas ang paglalaga ng itlog sa microwave–basta’t lalagyan daw ng asin.

Kuwento ni Rosser sa isang pahayagan, hinanap niya sa Google kung paano mag-laga ng itlog sa microwave noong isang umaga na nagluluto siya ng almusal bago pumasok sa trabaho.

Isang page raw ang nagsabi na hindi sasabog ang itlog sa microwave kung lalagyan ng asin ang tubig na pinagkukuluan, na siyang sinunod niya naman.


Makalipas ang anim na minuto sa microwave, inilabas niya ang itlog, sinilip ang kaldero, at saka sumabog ang itlog sa kanyang mukha.

“They just burst all of a sudden. As I splashed myself, I could feel my skin peeling off,” ani Rosser.

Tumawag ng ambulansya si Rosser at naisugod naman siya sa ospital.

Pero kahit daw lumipas na ang ilang oras, ramdam niya raw na nasusunog at tila parang matatanggal ang balat niya.

Sa sobrang maga rin ng mata ng biktima, hindi agad natukoy ng mga doktor kung may permanenteng pinsala siyang natamo.

Gayunpaman, may natutunan si Rosser sa eggcidente.

“I will never boil eggs in the microwave again, and I hope nobody else will either,” sambit ng biktima ng eggsplosion.

Facebook Comments