Ito ang Lodi sa Pag-tulong!

Bumisita sa programang iFM Tambayan ang Viral sa Social Media na si Tom Heramia Ora dahil sa pagtulong nito sa isang lolang nawawala. isang 3rd year accountancy student at tubong Nalsian Calasiao Pangasinan.

Sabado ng Umaga November 11, 2017 ng makasakayan ni Tom si Lola Jovita Mejia sa jeep na byaheng Calasiao-Dagupan. Noong mga oras na iyon dalawa na lamang silang pasahero at kinakalabit ni Lola Jovita si Tom upang tanungin alin sa kaniyang perang hawak ang bente pesos. May katarata ang mata ni Lola kaya hidni nito gaanong makita ang hawak na pera. Hanggang sa nagka usap ang dalawa at mapagalaman niya na nawawala na ang matanda. Bumaba ng Calasiao ang dalawa at pinakain pa ito ni Tom dahil kuwento ng Lola hindi pa ito kumakain. Pagkatapos kumain pinnasakay na ito ni Tom sa Sta. Barbara dahil ang pupuntahan ni Lola ay sa Balingueo, Sta. Barbara.

Kinausap ni Tom ang drayber at ibinilin na ibaba si Lola sa nasabing lugar. “Isipin mo may mga taong mas mabibigat pa ang kinakaharap na problema kaysa sayo,” Ito ang realization ni Tom ng tulungan niya si Lola Jovita.


Mensahe nito sa mga kabataan na huwag mag aalinlangang tumulong sa mga nangangailangan. Pinatuyan lamang ni Tom na hindi lamang Petmalu, Lodi at Werpa ang alam ng mga kabataan. Patunay lamang ang ginawang pagtulong ni Tom na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.




Facebook Comments