
Tuluyan nang gumuho ang lupa sa Goldfield, Barangay Poblacion, Itogon, Benguet dahil sa patuloy na pag-uulan na dala ng Bagyong Nando.
Dahil dito, hindi na muna inirerekomenda ang pagdaan ng mga motorista o mga residente sa lugar.
Matatandaang nangyari din ang massive landslide sa kasagsagan ng Bagyong Emong pero pwede pa itong madaanan ng mga residente matapos na gumawa ang mga ito ng pansamantalang tulay na gawa sa kawayan.
Pero dahil sa pagguho, hindi na madaanan ito, pati na rin ang tulay.
Wala naman naiulat na nasaktan o nasawi nasabing landslide.
Facebook Comments









