It’s more fun in Baguio City!

126

Baguio, Philippines – Masayang idinaos sa Lungsod ng Baguio ang “Handog ng Panagbenga sa Pamilya Baguio” kahapon, Pebrero 11, sa Melvin Jones Grandstand.
Ito ay one-day event na nagbigay kasiyahan at kung saan naging daan na rin upang ipamalas ang galing at talento ng mga taga-Baguio.
Maraming masayang aktibidad ang kabilang sa nasabing event tulad ng Panagbenga Kite Flying, Cultural Show, Mask Painting, at iba pa.
Sinundan ito ng fireworks display kinagabihan na kung saan ay nagbigay ito ng saya sa mga residente at maging sa mga turista.
Ang nasabing okasyon ay parte pa rin ng month-long celebration ng Panagbenga o Flower festival dito sa Baguio City.

Facebook Comments