Manila, Philippines – Umapela si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kanyang mga supporters na imbes na ipagawa ng tarpaulin at iba ang kanilang pera ay itulong nalang ito sa mga kababayan.
Sinabi ni Go, nagpapasalamat siya sa kanyang mga supporters dahil sa pagtitiwala ng nga ito sa kanyang kakayahan pero mas maganda na pagkain ang ibigay o iba pang paraan ng pagtulong sa mahihirap nating kababayan imbes na magpagawa ng mga tarpaulin.
Maaari din naman aniyang tumulong nalang ang kanyang mga supporters sa mga biktima ng mga sunog at magbigay ng mga materyal na magaamit sa pagtatayong muli ng kanilang mga naabong bahay.
Matatandaan na binigyang diin narin ni Go na tuloy lang ang kanyang pagsisilbi kay pangulong duterte at maaga pa para sa usapin ng senatorial elections.
Ito ang sinabi ni Go sa insang interview matapos pangunahan ang pagpapasinaya ng Malasakit Center sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo city.
Magsisilbi itong one stop shop kung saan matatagpuan ang mga kinatawan ng Philhealth, DSWD, AT PCSO na mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap.
Doon din ipinagkaloob ni Go ang 15 mikyong pisong tseke bilang start up fund para sa Malasakit Center.