Manila, Philippines – Muling didinggin sa senado ang Charter Change o Cha-Cha sa Miyerkules, Enero a-disi-siyete.
Ayon kay Sen. Francis Pangilinan, itutuloy lang ang pagdinig na sinimulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dating chairman ng committee on constitutional amendments.
Aniya, imbitado sa pagdinig ang mga dating mahistrado ng Korte Suprema maging ang ilan sa mga bumabalangkas ng 1987 constitution.
Inaasahan aniyang matatalakay sa pagdinig kung kailangan bang amyendahan ang saligang batas at sa kung papaanong paraan ito gagawin.
Facebook Comments









